High salary or Career progression
Hello po sa lahat
I'm having a dilemma ngayon sa career ko. Nagsend na ako ng resignation letter sa current company to find more opportunities. I'm 25M and nasa field ako ng engineering.
May bagong company na akong nahanap and ang offer ay nasa 22k and maraming benefits like 14th month pay and HMOs. Gusto ko syang tanggapin kasi magiging iba yung work ko, meaning more learning sakin. Pero, kinausap ako ng current employer ko na may ibibigay silang other job sakin. This job is more on leadership role and paper works at ang sahod ay nasa 30k.
Ngayon, nalilito ako kung anong gagawin ko. Ang goal ko naman talaga sa career ko is to find an opportunity with both high salary and may career progression. Ngayon, magkaibang offer yung nangyayari sakin. Kung kayo ang nasa posisyon ko, anong mas pipiliin nyo?:
A.) Company na may career progression ka pero mababa ang sahod; or
B.) Comapny na mataas ang offer na sahod pero walang career progression.
Thank you sa inyong mga thoughts.