Walang alam sa kotse pero gusto magka kotse……………..
Hello,
Gusto ko po kumuha ng kotse, kaso hindi ko po alam anong kotse ba kukunin ko kasi wala po akong alam sa kotse at higit sa lahat ay hindi po ako marunong mag drive ng kotse, natatakot po ako.
Ano ba dapat mauna, kuha muna ng kotse tapos tsaka na mag aral o mag aral muna tapos tsaka kumuha ng kotse? Also ano po ba yung yung okay na imaneho na kotse para sa mga beginners. For sure magagamit po yung kotse sa city driving or Manila to Laguna during weekend.
Salamat po. Please do not post this sa ibang socials, don’t bash me, don’t judge me.