Pinulikat ako
Kagabi, dun ako natulog sa boyfriend ko. Dinalhan ko kasi sya nung luto ko tas tinamad na ko umuwi. Tas kaninang madaling araw, nagising ako kasi pinulikat ung binti ko ng sobrang lala (like iyak levels kind of sakit 🥹). Tas dali dali nyang minasahe binti ko habang sinasabi na, "Shhh. I'm here, I'm here". Tas di sya tumigil sa pag masahe at mag-stretch ng binti ko hangga't di umookay. Tas ayun, nakatulog ako ulit.
Madalas akong pulikatin, and everytime, ganyan sya. Super attentive nya huhu 🥹 Wala lang, naalala ko lang kasi patulog na ko.
Love, kung makita mo man tong post na to, I love and appreciate you! Thank you for all that you do ❤️