Demanding na kumare kapag Pasko
Nakakainis talaga mga nanay na demanding pa sa regalo para sa anak nila.
(You may skip this part just for context lang) Meron akong pinsan (second cousin) na kinuha akong ninang ng anak niya. They are living in a compound which doon sa same compound living din ang mga side ni mother— her fam to be specific. Meron ako doon ka-close na pinsan (first cousin) which is ka-close rin ni second cousin pero hindi kinuhang ninang. Tinanong ko why kasi in the first place, ako kinuhang ninang ni second cousin knowing na HINDI KAMI CLOSE. Ang sabi ng first cousin, ayaw raw siyang gawing ninang dahil daw mahirap lang sila at mas may kaya raw kasi ako magbigay sa bata. WTH talaga ang utak. Doon palang nainis na ako, pero hindi na ako tumanggi mag ninang. Second year college palang ako noong kinuha ako mag ninang kaya yung pera ko is galing pa rin sa parents ko.
Every Christmas nagpupunta ako doon sa compound dahil nandoon side ni mother. It is our norm na mag mano sa kamag-anak namin lalo kapag Christmas season. Basically, kapag nandoon ako sa compound, nalalaman din ng secound cousin ko dahil doon nga rin sila nakatira. However, pumupunta talaga ako sa bahay nila para mag mano sa tita ko(mother ni second cousin) so yung gift sa inaanak ko sa kanya is automatically meron. Kaya lang, noong unang beses na nagbigay ako is damit nalang dahil 1 year old palang bata noon, sabi ba naman sana raw pera nalang. Second time na nagbigay ako ng Christmas gift, pera na pero sana raw dagdagan ko naman. Third time and so, puro pera nalang binibigay ko kesa gift dahil mas demanding pa ang nanay.
Ang nakakainis pa, hindi na nga kami close pero pag napupunta ako doon sa compound to visit, yung bata hindi naman din ako kilalang ninang niya kaya dinadaan-daanan lang ako. Kapag kasi Pasko na, sasabihin lang ng nanay mag mano sa akin tapos hindi aalis agad kasi nag e-expect na bibigyan ko. Ganon palagi hahahaha. Ni-hindi nga ako pinapansin ng second cousin ko pag nasa compound ako at kilala lang din ako kapag Pasko na.
Nagre-ready naman ako mga gifts at aguinaldo para sa mga inaanak ko pero ang hirap makilag deal sa bukod tanging nanay na demanding pa sa regalo kesa sa anak jusq.
Ngayon, sa ibang lugar ako mag stay for Christmas at hindi ko alam kung may balak pa ako magbigay pag uwi ko knowing na kilala lang naman nila ako dahil nag e-expect sila ng amount of money na ibibigay ko.