Nag-Baguio tapos walang pambayad.

Pucha, badtrip na badtrip talaga ako kasi, part-time kong mag-agent na nago-offer ng airbnb sa Baguio. Tapos, last December, may nag-check in, tatlo sila, 3D2N dapat kaso nag-extend so mas lumaki ang bill. Yun pala, wala silang pambayad putangina.

Nung nakiusap sya sakin, ayoko pumayag na paalisin sila ng walang bayad. Una, bukod sa di ako ang owner, pangalawa, mahirap maningil. Ngayon, sabi, pagbalik daw ng amo n'ya magbabayad s'ya. Tapos, nakita ko sa story n'ya na may binigyan s'ya ng tablet na kamag-anak (I added her on fb to see her posts and for assurance na rin), tapos, may pa-family gathering sila nung new year. Nainis na ako so I replied, kung ano ng balita sa balance n'ya.

Tapos, she messaged na 15 daw, so kahapon, I was out in class the whole day yesterday kaya late ko na s'ya na-remind. No replies, ngayon, I messaged again, pagsahod n'ya na lang daw. For context pala, kausap ko is yung nanay nung isa sa guest sa transient na walang pambayad. She's an OFW. I'm trying to ask kung kailan yung sahod n'ya kaso di na ko sineen.

Sa inis ko, I was thinking of posting them kaso what will I get? Lalo pa silang di magbabayad kasi napahiya. And ewan ko ba, di ako fan na ipo-post sa social media yung kaaway o may utang kasi not so classy. Isa pa, ugat ng chismis. I tried reaching out doon sa isa pang guest kaso di rin ako sini-seen. Mga putangina talaga. Aga-aga naba-badtrip ako eh.

I understand na uunahin mo yung pamilya mo for your NEEDS. Kaso for luho? Edi putangina, I know it's bad pero sana, something bad will happen sa kanila na lang. Tangina n'yo kung sino man kayo. Mabasag sana yang tablet na binili n'yo tangina.