di ko magawang mag-gf dahil sa tropa ko
Noong high school, hindi ko talaga inisip na magkaroon ng girlfriend dahil gusto kong mag-focus sa pag-aaral. Pero ngayong halos tapos na ako sa college, pakiramdam ko handa na akong pumasok sa isang relasyon. Ang problema, hindi ko magawa dahil sa tropa kong si Kiel.
Kaklase ko si Kiel (23) simula first year college, pero mas naging close kami nakaraang taon nang pareho kaming magtrabaho sa iisang workplace bago mag-OJT. Doon ko napansin ang pagiging clingy niya sa akin na kahit kausap niya pa sa VC yung girlfriend niya, madalas pa rin niya akong kulitin. Hindi ko masyadong pinansin yon dahil tropa naman kami.
Nung magsimula yung OJT, mas naging madalas ang pag-uusap namin, araw-araw niya akong chinachat, araw-araw nya rin akong kinukulit. Doon ko unang naranasan ang pakiramdam na may taong laging handang makinig sa mga kwento ko, may nakakausap kapag mabigat ang trabaho. Pero kahit ganoon, alam kong magkaibigan lang kami.
Ngayon na gusto ko nang magka-girlfriend, hindi ko magawang i-entertain ang ibang tao—dahil siya pa rin ang naiisip ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang aminin ang nararamdaman ko sa kanya kahit na alam kong baka masira lang yung pagiging tropa namin o manatili na lang kaming magkaibigan kahit na mahirap.