Ang sakit mong mahalin. Lagi lagi kang pinipili pero hindi ka naman natututo. Saan ka ba nakatingin?
Kapwa Pilipino ang dahilan ng paghihirap. Di ito matatapos hanggat may dayaan, ignorante, walang pakialam, at ganid sa lipunan.
Napakayaman ng bansa, ang dami nating likas na yaman. Ngunit ang daming naghihirap at nagugutom. Ilang beses ka nang inaangat at ipinaglalaban. Ngunit mas pinipili mong pumikit at bumalik sa maling landas.
Sabi nga nila, “Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit".
Kailan ka matututo? Kailan ka ba kikilos? Kanino ka ba nagsisilbing tunay?
Pagod ka na ba? Ngunit kung lahat ay susuko, sino ang lalaban para sa mahihina at walang boses?
Sana masilayan pa natin ang na hustisyang walang pinapanigan, bukal na paglilingkod sa bayan, at kaunlaran ng bansa.
Nagpag iwanan na tayo ng ibang bansa.
Tandaan mo, ikaw ang perlas ng silangalan. Ikaw at ikaw lang ang makakapag pakinang sa sariling ningning kung ito’y mimithiin.