Sinabutahe ko ang student visa ni ex

Wala ako mapag sabihan nito pero I want to get this off my chest talaga.

I was in a relationship. The relationship lasted for more than 2 years and sobrang dami ng cheating issues, I guess I deserved what I tolerated lol.

Hindi ko na mabilang yung pagkakataon na niloko nya ako and I feel like I was manhid na sa lahat ng ginawa nya sakin, but decided to stay (silly me).

Btw tambay sya and since we met wala talaga syang work, fast forward around 2022 or 2023, nag plan syang mag student visa papuntang Australia sa pag-asang gaganda ang takbo ng buhay.

I was hurt tbh kasi after ng matagal na pagsasama namin, after I tolerated all the cheating, wala ako sa plano nya in the future!

Nag spend family nya ng around half a million pesos to process everything, idk the breakdown basta nasa ganoon yung mga nagastos na. We were together when he planned all of this.

Konti nalang, aalis na sya e, not until he cheated nanaman, this time sabi ko I had enough, hindi na pwedeng i tolerate ko pa ito at sobra na!!

Hiniwalayan ko sya that day I found out. Na realize ko na sobrang trauma naging dulot sa akin. Biglang pumasok sa isip ko, there was a time I heard his plans na balak nya palang makipag fix marriage sa isang Australian citizen to gain citizenship I guess, I gathered all the evidence I could, screen shots ng conversations with his friends, basta anything na magiging redflag para ma jeopardize yung visa nya (Na open ko pa account nya sa messenger kahit after the break up for like 2 days I think).

I reported everything sa Australian embassy!

The next day he got the letter of refusal. Hindi na grant ang kanyang student visa, all after being asked to process this and that.

Hanggang ngayon, araw-araw ko pa din naiisip na, what if hindi ko ginawa yon, naka alis kaya sya? Gumanda kaya buhay nya?

Hanggang ngayon nakaka-guilty and wala akong mapag sabihan kasi halos ng friends ko ay kilala din sya.

Iniisip ko nalang na ganti ko na sakanya to sa traumang dulot nya and sa mga utang nyang hindi binayaran! lol pero nakaka guilty lang talaga. Idk if ako ba talaga may kasalanan bat sya na deny sa visa or talagang hindi lang sya tinanggap.

This all happened years ago and I am married na po, may child na din po.

I am not claiming din po na what I did is the main reason ng refusal, could be something else. I am aware na what I did po is wrong, ang intention ko lang po siguro sa pag post nito is to relieve this burden, “araw-araw ko pa din naiisip” is an exaggeration, not really araw-araw, sumasagi lang sya sa isip ko.