Usapang team building. Please dont force it on others na ayaw sumama

open letter sa mga boss/ leads na gustong gusto ng mga team building. wag nyo na po ipilit. halata kasi pag gusto nyo lang patunayan sa upper management at sa ibang team na mas may harmony yung team nyo kesa sa iba. and kahit genuine naman yung intention wag pa din kayo mamilit. auto pass na po kami pag weekend. yun na nga lang pahinga namin eh gusto nyo pa kuhain. tapos gusto nyo pa overnight. ok naman tayo as a team eh pero kung gusto nyo talaga tuloy nyo na lang ng kayo kayo lang. pangit kasi optics eh no pag madaming hindi kasama? kaso ganun talaga eh hindi lahat gusto ng deeper relationship with work mates. minsan ang work ay work lang.