dating arellano player pinatay sa cotabato

idk them personally, nag suggest lang sa newsfeed ko post ni ate, and ayun nga binaril sa cotabato itong basketball player(former arellano player) and current MPBL player, habang nagmamaneho (nakasasakyan din yung pumatay).

motive behind the shooting remains unclear pa raw, pero base sa misis niya. yung kumuha sakaniya maglaro(ligang labas) ayun din raw yung pumatay.

then nag deepdive pa ako sa fb, may balita na nahuli raw sa checkpoint yung allegedly suspect pero tumakas pero naiwan yung girlfriend ng suspect na itinatangging may binaril sila.

then other news, yung pinaghihinalaang sasakyan inabandona ng suspect inabandona sa isang brgy, napag-alamang renta lang ang kotse.

mukhang plinano pagpatay? grabe panahon ngayon parang simple nalang sa tao ang pumatay. naulila ang asawa niya at dalawang batang anak na ang isa ay 1month old palang