Lowkey insulted
quick context: Applying for a software engineering job with 3 years of experience. Honestly miffed about my job interview with the hr in a company I'm applying to.
Nagkaroon ako ng job interview sa isang company kaninang umaga, applying for the stated role above. Ganda din ng exchange namin. However, noong tinanong na ako tungkol sa expected salary ko-- Take note, this is the exact flow. I was asked what my expected salary is, and I told him I'm ranging from 70k-90k, since I have enough experience and requirements for the job.
I gave them that exact answer, given that the job they're offering is supposed to be either an office setup or a hybrid, of course I had to stick with the hybrid position dahil sa sitwasyon namin na kelangan ko bantayan ate ko (with special needs).
Natanong naman ako after, kung pwede ko daw babaan, I mean malamang hindi, kasi ranged type yung sagot ko, hindi exact amount, para makapagallocate pa sana sila ng work na available para sa akin. Magugulat na lang ako na ang iooffer sa akin is-- puta 20k. Sana sinabi na lang ahead of time, pinahaba lang. Sayang lang din kasi oras.
Kung buhay pa Judas, baka magpapakamatay na lang dahil sa ganung offer, kesa sa pagtraydor kay jesu kristo. 20k probationary for 6 months, pre? tapos hybrid? Pag taga-zambales ka, ang mahal ng byahe, baka magsara mga kainan dito sa amin dahil sa di na ako nakakakain dahil sa pagkasya ng 20k sa isang buwan. Naisip ko na lang na tanggihan ko na lang din, ang distasteful din. Matic red flag pre.
Additional note: Napansin ko na to bigla. May mga questions na galing sa Linkedin, if ever natry mo na magLinkedIn Premium, may mga interview questions designed para maging tulong sa mga job seekers. Parang systematized sila, binabasa nila mga tanong, walang follow up questions talaga, basta makapagtanong, and may gut feeling akong di naman related sa company. Di ko nakitaan ng curiosity sila, naging dating sa akin kumokota sila.
Open ako sa mga opinions niyo. Open din ako for work. haha
EDIT: may nadagdag ako sa additional note, di ko nalinaw masyado sinasabi ko.