Tapat ba sya sa kanyang sinabi?

Ikaw bilang matalinong tao, maikokonsidera mo ba syang tapat sa kanyang mga sinabi?

Bumalik tayo sa nakaraan noong panahon ng Martial Law, si Soledad Duterte na isang aktibistang nagmartsa sa Davao laban sa administrasyon ni Presidente Marcos, siya ang nanguna sa sinasabi ni PDUTS na Yellow Friday Movement.

Ang Nanay nya ay isa sa mga lumaban sa Kawalan ng hustisya, kawalan ng Due Process, luamaban para tamang pamamahayag, kontra sa pagmamalupit ng pwersa ng pamahalaan.

Tandaan na ang Due Process ay proseso kung saan kinikilala ang pantay na karapatan ng kung sino man, Kung ito'y kriminal man o sibil. Inosente man o hindi kailangan nito magdaan sa legal na pamamaraan, maski Presidente man o hanggang sa pinakamababang antas ay saklaw nitong ating batas.

Nalakalungkot lang isipin na tila binalewala nya ang mga halimbawa na ginawa ng kanya Ina. Umpisa ng pag-upo nya bilang Pangulo ng bansa ay naging malala ang patayan, ang kawalan ng Due Process, ang paglaganap ng Fake News (hanggang ngayon ay laganap), pag dami ng Trolls, pagkampi ng Anak nya sa anak Diktador, malalang katiwalian, etc.

Kung makikita lamang at malalaman ng kanyang Ina ang kalunos-lunos na ginawa ng kanyang anak at mga Apo sa Pilipinas, gobyerno, at ganun din sa pagkakahati-hati, dibisyon na pananaw sa kaisipan ng mga tao, puro galit at pagkadismaya ang nangingibaw ngayon, Lalong lalo na ang kawalan ng pag galang.

Siguro malaking kabaliktaran ito sa mga ginawa ng kanyang Nanay?