Should i shift? hindi ko na talaga kaya.
Should i shift na ba? Di ko na kaya yung environment sa school namin, inis na inis na ako sa mga kaklase ko although i have friends naman but bilang sa mga daliri ko. And kaya ako inis na inis dahil may kaklase akong sa tuwing nagsasalita ako, lagi syang pabalang sumagot sakin at kapag may sinabi lang ako na ‘uy malabo cam mo?’ mamasamain pa talaga noong saturday may ginawa kaming project then trip nya selfie ganyan then ako naman sinabi ko in a nice way na uyy malabo cam mo, tapos sya di ko ineexpect na mamasamain nya na odi sorry tapos pabalang talaga out of nowhere then nung first year kami, mainit na talaga dugo nya sakin eh never ko nga sya pinapansin more on in a casual way lang kaya ayaw nya sakin kasi over sharer daw personality ko sa internet tapos kapag in person daw di ako nagsasalita like mapapa wtf nalang talaga ako. Kasi nga di ko naman sya pinapansin then sya tong nagsasabi ng negative about sakin to the point na naaapektuhan na mental health ko. Gusto ko ng mag shift at mag transfer, di ko na kaya toxicity ng mga kaklase ko aside dyan may kaklase rin akong sinabotahe talaga ako to the point na bumaba self confidence ko. Btw, 2nd year college na me and grabe dati di naman mababa tingin ko sa sarili ko pero ngayon pucha sobrang baba na. Saka kasi mga kaklase ko iba iba toxicity, may isang hate na hate ako, may taklesa ugali, may tamad na to the point na masisira image mo sa katamaran nya, may narcissist, may mga sobrang taas ng tingin sa sarili. Totally chaos tapos 10 lang kami magkaklase. Di ko masabi sa mga ate ko na gusto ko ng mag shift sa gusto ko talagang course kasi once na magsabi ako literal na magagalit. Saka ayoko sa course ko kahit bumagyo or umulan need pa rin mag Shooting and kahit sabihin kong baha, may magsasalita na kaklase ko na mas baha samin pero nakakagayak pa ako like wtf talaga. Saka dito sa course na to naging bobo ako. Prelim grade ko sa major singko dahil yung prof ko nagbebase lang sa recit then di kasama attendance only recit, activity, exam, quiz, project lang like ewan ko ba eh ako di ako makasabay sa mga kaklase ko na sobrang tatalino saka nakakatakot magkamali sa recit dahil may mga kaklase akong kapag nagkamali ka pagtatawanan ka pa sa isipan nila saka ayaw ng nalalamangan like shit talaga napasama ako sa mga college student na junior high ang mindset. Frustrated ako ngayon na sana nag shift nalang ako at umulit ako ng first year, di ko na kaya ang toxicity ng environment sa school namin imagine sasampu nalang kayo magkaklase tapos papangit pa ng ugali sama ko pa yung mga prof na unfair mag grade. Sising sisi talaga ako na kinuha ko tong course na to. Di ko alam paano ko sasabihin sa nagpapaaral sakin na halos sinabotahe na ng mga kaklase ko self confidence ko to the point na nandito na naman ako sa unmotivated phase ng buhay ko. Gustong gusto ko ng mag shift di ko na kaya.