baon sa utang

Hello guys, I need your advice.

I am in my 20s and baon ako sa utang. It all started before and during pandemic. Before pandemic, nag-aaral ako sa isang private school and lagi ako nakapromisory. Naipon yung balance ko up to 150k (3 semesters). Hanggang dumating ang pandemic. Nagwork ako pero sapat lang ang sahod ko sa bigay sa bahay and personal kaya hindi ko nabayaran ang balance ko. After 2 years (2022), nagtransfer ako ng school. Pinayagan nila akong makaenroll and to-follow na lang ang TOR ko. Sinuportahan ako ng kapatid ko sa tuition ko sa new school ko pero di niya alam na may balance pa rin ako sa past school ko. I told them kasi na wala na akong balance dun, kasi I thought makakapag ipon ako habang nagwowork pero hindi ko nagawa.

And now, graduating na ako this semester. Wala na akong balance sa new school ko pero I still have the debt from my old school. Hindi ako makakagraduate kapag hindi ko nabayaran yun kasi need ko isettle yun to get my TOR. Malaki ang kinikita ng kapatid ko pero may pamilya na siya. Alam kong marami rin siyang gastusin. Last year pa ako naghahanap ng work pero wala akong mahanap talaga. Lagi akong rejected sa interviews.

So sa tingin nyo ba, kausapin ko na lang yung kapatid ko and maging honest? Ayaw kong ipaalam niya sa mama ko dahil baka atakihin siya sa puso, senior na siya. And magpromise ako na babayaran ko na lang siya monthly once na may work na ako pagka-graduate ko. Pero natatakot ako na itakwil niya ako kasi malaking halaga yun. I have 3 months na lang para mabayaran yung utang ko sa old school ko. :((

Please, no harsh advice. Problemado na po ako and nagsisisi everyday. I need real advice po. Thank you!